Daigdig

Mga Katangian ng Daigdig

Kinaroroonan- Ang daigdig ay may layong 149, 637, 000 kilometro mula sa araw. Ito ang panglimang pinakamalaking planeta at pangatlo mula sa araw.

Sukat- Ang daigdig ay may kabuuang sukat na 510, 056, 000 kilometro parisukat. Binubuo ng tubig ang 70% ng mundo at ang lupa naman ang 30% na bahagi nito.

Paglalakbay- Ang daigdig ay isa sa siyam (9) na planeta na naglalakbay na parang sasakyang pangkalawakan sa paligid ng araw. Ito ay may tatlong (3) mosyon o galaw:

  • Rotasyon- umiikot itong parang trumpo. Ito’y umiikot sa kanyang aksis sa 23.5 digri.
  • Rebolusyon- naglalakbay ito sa paligid ng araw sa landas na tinatawag na orbit ng mundo. Ito ay nakakabuo ng 365.25 na mga araw.
  • Sumusulong ito sa landas ng pulo- pulong bituin (Milky Way) kapanabay ng iba pang solar system.

Pisikal na Hugis- Ito’y di tunay na bilog (oblate spheroid) at nakatagilid mula sa kanyang tuwid na posisyon ng 23.5 digri.

Larawan ng Daigdig- ang tubig na bumabalot sa malawak na bahagi ng mundo ay tinatawag na karagatan: Pasipiko, Atlantiko, Indian, at Arktiko. Ang mga lupain ay nakaangat sa mga karagatang ito at bumubuo ng pitong (7) kontinente:

  • Asya- sa sukat at sa populasyon ito ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Nalalatagan nito ang halos 1/3 ng lupa at mayroong 3/5 ng mga tao ang populasyon nito.
  • Aprika- iaklawang pinakamalaking kontinente at pumapangatlo sa populasyon kasunod ng Asya at Europa. 2/5 bahagi ng Aprika ay nalalatagan ng disyerto.
  • Europa- ang lawak nito ay 1/15 ng kabuuang luap ng daigdig at ikalawang kontinente base sa populasyon.
  • Hilagang Amerika- mula sa malamig na karagatang Arktiko sa hilaga at maiinit na tropiko sa timog. May mahabang baybayin na ang kabuuang haba ay mahigit na 154, 000 kilometro
  • Timog Amerika- ito’y may dalawang ulit na laki sa Estados Unidos.
  • Australya- ang tanging kontinente sa mundo na isa ring bansa. Bilang isang kontinente ito ay may pinkamailiit na sukat  ngunit bilang isang bansa, ito ay pang- anim na pinakamalaki sa buong mundo.
  • Antarktika- may saklaw na 13, 200, 000 kilometro kuwadrado. Halos dalawang ulit ng laki ng Australya. Ang kontinente ay halos nakalubog sa halos 29 na milyong kilometro kubiko ng yelo. Ang yelong ito ay makababalot sa Estados Unidos ng kahit 3 kilometro ang kapal.

1 Comment

  1. …ahmfff.. tnx fhu.. nqkatulong ito ng malaki xa aking takda…


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Archives

  • April 2014
    S M T W T F S
    « Jul    
     12345
    6789101112
    13141516171819
    20212223242526
    27282930  
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.